Pagkakasala at kaparusahan
Dostoyevsky, FyodorIto ang paglalarawan sa mapait na kalagayan sa daigdig. Mukhang walang pag-asa at walang masusulingan ang mga tao. Kahit sa pelikula sa kasalukuyang panahon ay hindi pa naipakikita ang ganitong eksena, kung saan ang mga tao, na tila mga zombie na sinasaniban o nahawa ng napakabagsik na virus o espiritu, ay naging labis na matalino at matindi ang yakap sa mga prinsipyo, doktrina, at ideolohiyang sumanib sa kanila. Sila lamang ang tama at wala nang iba pa. Handa silang gawin ang kahit ano, magbaka ng hirap at pasakit, lumaban, pumatay, kumain ng buhay na kapwa-tao upang isulong ang mga layuning makatuwiran at makatarungan sa kanilang pananaw. Gayunpaman, hindi naman lubusang magiging impiyerno ang daigdig at hindi malulunod, masusunog, at malulusaw nang dahandahan sa kumukulong lawa sa impiyerno ang mga tao habang naririto pa sa lupa. Hindi ganoon kawalang-pag-asa ang lahat. May kasagutan at solusyon sa suliranin. May binabanggit si Dostoyevsky na iilang maaaring makapagligtas sa sangkatauhan. Makikita nila ang tamang landas at maituturo sa mga nagkaligaw-ligaw at wala nang masulingang hindi na malaman ang patutunguhan. Sila ang mga hinirang at malilinis ang puso, na magsisimula ng bagong uri ng tao at bagong buhay sa mundo. Pagiibayuhin at lilinisin nila ang buong daigdig.
- ISBN9786218196032
- publisher
- description1 online resource (xxiv, 569 pages)
- series title
Locations
Item is Digital Only
This item does not have a hard or physical copy, and therefore it can only be viewed through an electronic device. Fortunately, the item can be easily accessed by clicking the button below.